Linggo, Nobyembre 17, 2013

Ang sanhi ng bagyong "YOLANDA"

ANG SANHI NG BAGYONG YOLANDA



      Isa nanamang kalunos-lunos na trahedya ang dumating sa ating bansa na dala ng bagyong YOLANDA.Marami ang lugar na naapektohan nito.Pumapaluob dito ang mga lugar na Visaya at ang parteng Mindanao.
      Nawasak at nagbagsakan ang ilang mga puno at poste ng kuryente ng hagupit ng bagyong 'yolanda' ang cebu.Agad namang nailikas ang mga resedente sa mga evacuation center.
      Marami na ang mga taong nagugutom dahil  sa sanhi ng bagyong 'yolanda'. Marami narin ang nawawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa kagutuman.Pati narin ang mga akalain nilang matitibay na kanilang tahanan ay nadala ng hagupit ng bagyong 'yolanda'.Nakakalungkot isipin na ang mga magagandang lugar sa visayas at mindanao ay dinala ng 'yolanda'. Ang dating napaka gandang chocolate hills ngaun ay kalbong kalbo na.
     Pinaka matinding hagupit ng bagyo sa samar at leyte.Sinira naman ng malakas na lindol ang ilang lugar sa bohol.
  
   Ngayon ay kinakailangan ng maraming pagkain at mga isusuot ng mga nasalanta ng bagyong 'yolanda'.Ang mga pagkain na idodonate ay tulad ng can goods para hindi na sila mahirapan pang maluto ng kanikanilang kakainin pa.At kailangan din nila ng maraming damit lalo na ang mga walang nasalbang mga kagamitan dahil sa lupit ng bagyo.

  Sana sa mga bawat taong nabagyo oh nawalan man ng mahal sa buhay ay wag pading mawalan ng pagasa sa buhay dahil may DIOS tayong malaki,mapagmahal hinding hindi ka nya iiwan dahil anak ka nya kahit anu kapa kung anu pa man ung nakaraan mo sa buhay.Basta lagi nating tandaan na kahit gano pa kalaki yang problemang dumaan sa ating buhay naghihintay lang si GOD na papasukin mo sya sa iyong buhay.Sabi nga sa bible "jeremiah 29:11" For i know the plans i have for you declares the Lord plans to prosper you and not to harm you,plans to give you hope and future.






    
  Kung nakikita natin wala ng bahay ang nakatayo sa sobrang lupit ng bagyong'YOLANDA'
  Wag po sana tayong mawalan ng pagasa sa ating buhay dahil may DIOS tayong mapagmahal.